The Next Generation Cries Out

If the next generation is crying out and if we are truly hearing them, they’re saying: DON’T GIVE UP ON US!

I couldn’t imagine what I could have become today if there were no people who believed in me and in my God-given purpose and destiny even if there’s really no great thing about me when I was still lost and had no direction in life. I was a student who wanted to die because I thought I was ugly and useless.

This still gets me teary eyed remembering who I was and who I am right now saved and being changed by the grace of God. We need to see how the next generation is in need of people who will truly believe in them and not judge them and not set them up for failure but for the purpose God lovingly designed for them! They need us and they need to be discipled so that they may also know Jesus as their LORD and Savior and that they may know that they are loved and they don’t need to get it from the wrong sources. That they can be influential as world changers as they hear, believe and preach the Gospel to the ends of the earth!

The next generation is worth it. Let’s fight for them and do everything we can to disciple them while it’s not too late and raise them as leaders in their campuses so they may also stand up as leaders in the different spheres of our society.

I’m grateful to God for the opportunity to disciple them in full time capacity. I’m grateful to God for parents and families who are allowing their children to be discipled by us. I’m grateful for people who are partnering in our campus ministry through financial partnership and mighty prayers. We’re grateful for the school administrators, teachers and faculty staff who are allowing us to enter their campuses.

So if you are believing in the next generation, this is to say THANK YOU for never giving up on them. They are worth it! Jesus died for them too and He believes in them no matter how hard-headed and hard-hearted they are now. Through the Gospel too their lives will be changed and they will change the world with us!

Pag-ibig

Naisip at naranasan ko ang pag-ibig sa lente ng mundo ay parang apoy na ‘di mo mapigilan, gustong kumawala at kung walang ingat maaaring makapanira.
Naisip ko din na ang ganitong pag-ibig ay dahil parang apoy, ‘di mo mapipilit na hawakan sa sarili mong kamay, sa sarili mong lakas kahit anong pigil sa pagpupumiglas.
Kung pigilan sa sariling kamay masusugatan, lalamunin ang balat at mag-iiwan ng markang ‘di kaaya-aya, habambuhay nang nakalamat.
Pag-ibig daw na tinutukso ka at gustong kumaripas at baka malampasan.
Kumakabog ang iyong dibdib, tumatakbo ang oras, napag-iiwanan ka na ng iba.
Pag-ibig daw na nagdala ng damdamin mo sa langit sa saglit na oras kahit na mali.
Pag-ibig daw ngunit binago ka, tinakpan ang iyong mata at dinala sa mundong pati sarili ay nakalimutan mo na.
At ngayon ‘di mo alam, nahihirapan bumalik.
Tunay ba ‘tong pag-ibig, bakit walang kapayapaan, ‘di buo ang kasiyahan, alam mong ‘di pangmatagalan?

Ngunit may isa pa kong alam na Pag-ibig.
Parang apoy. Pero apoy na tumatagos sa puso at nilalamon ang buo mong pagkatao.
Pag-ibig na ninanais ang kabuuan mo pero ‘pag sinakop ka, ‘di ka iiwang pinaasa, luhaan, duguan.
Pag-ibig na hindi ikaw ang kailangang humawak para ‘di kumawala, pero ikaw ang ‘di pakakawalan.
Manlamig ka man patuloy na maglalagablab, sasabihing, “Patuloy lang, anak. Sapat ang Aking pagmamahal.”
‘Di tulad ng pag-ibig na binibigay ng mundo, ang Pag-ibig na ito ay hindi nagbabago, tinatanggap pati ang baho mo.
‘Di ka lang pinapabango ngunit patuloy na binabago nang sa gayon ay maibahagi din sa iba ang pag-ibig na natatamo.
Pag-ibig na pinagaling ka, ‘di ka hahayaang kalimutan ang iyong sarili, bibigyan ng mas maganda at walang hanggan na pagkakakilanlan.
Pag-ibig na kinalimutan ang langit, bumaba sa lupa para lang ikaw ay sagipin at dadalhin ka sa totoong langit.
Pag-ibig na tinuruan kang tunay na umibig.

Ang pag-ibig ayon sa mundo: Itago mo. Sa akin lang ‘to. Ito, siya ang gusto ko. Ito, siya ang susundin ko. Masira na buhay ko, buhay ng pamilya ko masunod ko lang ang nais ko. Makasarili.

Ngunit ang tunay na Pag-ibig, alam mo kung anong tinutukoy ko. O mas magandang sabihin kung Sino ang tinutukoy ko. Oo. Ang Panginoon ay Pag-ibig. Hindi ko depinisyon ‘to pero Siya lang ang totoong may ganitong katangian at ganitong pag-ibig na binibigay sa lahat, ‘di ka mauubusan: “matiyaga at mabait, hindi naiinggit, hindi nagmamapuri o nagmamataas, hindi nag-uugali ng di-nararapat, hindi ito naghahangad ng sariling kapakinabangan, hindi madaling magalit at hindi nag-iisip ng masama, hindi ito nagagalak sa kalikuan kundi nagagalak sa katotohanan. Ang pag-ibig ay nagtatakip ng lahat ng bagay. Ito ay naniniwala sa lahat ng bagay, umaasa sa lahat ng bagay, nagbabata sa lahat ng bagay.” Ang Diyos ay Pag-ibig.

Naisip at naranasan ko ang pag-ibig sa lente ng mundo, minsan nagpapanggap sa anyo ng tao, bagay, katanyagan, yaman, pagkakataon.

Pero walang katulad ang Pag-ibig na nakilala ko. Pinaibig at umibig ako pero ‘di ako nabigo.

#pagibig

Dahil At Para Sa Kanya

Sa paulit-ulit na pagkakasala ng mga Israelita, bagkus may kabayaran ang bawat pagsuway nila, hindi pa din huminto ang Panginoon sa pagmamahal sa kanila.
Sa panahon natin ngayon, bawat araw, bawat taon, hindi mabilang ang ating pagkakasala, pagkukulang at pagkakamali, pero ang pagmamahal, katapatan at kabutihang loob ng Panginoon ay hindi natatapos, hindi nauubos at hindi nagbabago.

Hindi ko maintindihan na kahit ga’no karaming maling nagagawa ko sa araw-araw (sa salita, gawa at isip), bakit mahal pa din Niya ako?
Bakit mahal pa din Niya tayo?
Pero ang pagmamahal at kabutihang loob Niya hindi natin dapat gawing lisensya sa pagkakasala.
Sadya lamang na kay buti ng Diyos. Sa bawat pagkakataon.

Ngayong taon na ‘to, hindi naman talaga dahil sa lakas o galing natin kung bakit tayo’y nakatayo pa din.
Lahat ng mabubuti at magagandang bagay, relasyon at pangyayaring natatamasa natin ay resulta ng kabutihang loob Niya.
At ang pagmamahal at kabutihang loob Niya patuloy tayong babaguhin para magbigay ng karangalan sa Pangalan Niya.
Lahat ng ‘to ay dahil sa Kanya.
Lahat ng ‘to ay para sa Kanya.

To Every Strong #Woman

#Woman, there’s nothing wrong with having a strong personality. There’s something wrong if you’re trying to be stronger than men. Yes, you should be gentle but you don’t have to be weak so that men will not be intimidated. Maybe they’re intimidated because they’re not just manning up enough.

As long as you’re pursuing godly womanhood, seeking God’s heart and desiring to be a woman after His Word and in prayer, one day a brave godly man will courageously ask you to spend a lifetime with him in marriage–that man who admires your strong personality which you got through your life experiences and in the time you spent being molded by God, that man whom you’ll unbelievably submit to and lovingly lead by.

After all, you need to be strong so you’ll last long in choosing absolute purity and not just settle for less, so that guys (not man enough) will not fool you and take advantage of you. But don’t be too hard on yourself that no man cannot enter your world anymore. Just seek God first, enjoy your relationship with Him and He’ll grant you the desire of your heart. God is strong and faithful to fulfill His plans for your life.

Allow Satan No More

The enemy is trying to steal, kill and destroy, and taking advantage of you who’s being soaked in life’s busyness, deceiving you that you’re doing just fine because you’re busy and here you are forgetting your real priorities. But allow him no more. So open your eyes. Be aware that you’re in a battle but know that the LORD is fighting for you and has already won the victory. You cannot stay unaware and show too little concern about your spirtual life. Fight for your relationship with God. Fight for a quality and quantity time with Him and in His Word. Kneel down again in prayer. Go back to your First Love. Acknowledge Him in all your ways. Live in victory because our God has overcome. He is calling you to overcome. He is calling you to truly live a life to the full–not just a busy life but a life to the full–a life experiencing the fullness of His good will, a life full of His love and goodness, a life with the Life-Giver.

Bukas

Bukas bago ulit ang Iyong awa.
Bukas ipapadama Mo ulit ang Iyong pagmamahal at katapatan.
Bukas Ikaw ulit ang pupurihin at dadakilain higit sa lahat.

Bukas sana’y hindi Ka ipagpalit sa panandaliang saya.
Bukas ayokong makalimutan Ka.
Bukas babalik pa din ako sa Iyo, Unang Pag-ibig ko.
Bukas panalangin ko na hindi ipagpalit ang manatili sa Presenya Mo.
Bukas hinihintay na mangusap Ka muli sa puso ko.

Ang bukas at bawat segundo ko nawa’y ialay lang sa ‘Yo.
Patawarin Mo ako sa madaling pagkalimot sa ‘Yo.
Patawarin Mo ako sa pagpili sa tingin ko’y makakapuno sa puso ko.

Bukas sa Iyo pa din ako; samahan Mo ako.
Ang bukas ay ang magiging ngayon kaya bukas at sa buong buhay ko gusto ko lang ay mabuhay para sa ‘Yo, Panginoong Hesus ko.

Motibo kada Post

Kung ikaw ang taong kada minuto binabantayan kung sinong magla-like ng post mo
O ikaw itong tipong ‘di na namamalayan na daan-daang minuto na ang nagugugol araw-araw sa Internet lang,
Nakakapagod yan sa mata pati na din sa puso mo–dahil kumukuha ng pampawi mula sa bagay na di naman talaga makakapuno dito.

Nakakapagod dahil iniisip mong:

“Gagawin ko ‘tong bagay na ‘to para makakuha ako ng maraming likes. At sasabihin ng mga tao sikat ako. Hahangaan nila ako. Okay ako sa paningin ng ibang tao. Mas higit ako kaysa sa ibang tao.”

Sayang. Kung nagpapakahirap kang tanggapin ng ibang tao. “I-like niyo ko.”

Sayang din ang mga minutong sana ibinaling mo na lang sa pamilya mo, sa trabaho o pag-aaral mo, sa tamang oras ng tulog o sa pagbabasa ng Banal na Libro.
Hindi naman dahil walang kabuluhan ang social media.
Malaki ang naitutulong nito pero malaki din ang pwedeng kunin sa ‘yo kapag ‘di mo namalayang ang oras at atensyon mo unti-unti na palang ninanakaw sa ‘yo.
Nasasabi ko ‘to kasi pinagdadaanan ko ang pinagdadaanan mo.

Pero naisip ko…
Ano ba talagang dahilan sa pagpo-post ko ng mga istorya ng buhay ko?
Para magpapansin at magyabang sa tao
O para ipagdiwang ang buhay at mabigyan ng papuri ang Diyos ko?
Hindi pa ko makapaniwala noong una
Pero totoo nga ang sinasabi ng Kawikaang nabasa ko:

“Kung paanong ang mukha ay nalalarawan sa tubig, sa kilos naman nahahalata ang iniisip.
Ang nasa ng tao’y walang katapusan, tulad ng libingan, laging naghihintay.”*

Ang nasa nating tao walang katapusan.
Ating mga mata laging naghihintay.
Scroll dito.
Scroll diyan.
Walang katapusan.
Tunay na nahahalata sa kilos ang laman ng isipan.
Laman ng isip kung anong iisipin ng iba.
Natapos ang mga oras na sana’y nilaan sa mga mas makabuluhang bagay at sa Kanya.
Hindi na mababalik.
Muli kang nanghinayang.

Sa paulit-ulit na eksena araw-araw,
Mobile data on. Wifi on.
And the story goes on and on and on.
Gusto kong makibagay pero ayokong kalimutang tunay na mabuhay.
Hindi ako robot, nabubuhay ako sa tunay na mundo.

Diktahan ang puso at isipan na wala sa social media ang seguridad ng pagkatao at hindi ito ang makapagbibigay ng buong kasiyahan.
Gamitin ‘to pero ‘di dapat magpakaalipin dito.

Nawa’y maalala palagi na mag-post hindi para maghabol ng likes
Pero maging magandang halimbawa, magbahagi ng makabuluhan, at mang-impluwensya para sa Kanyang kaluwalhatian.

#motibokadapost #heartcheck

*Kawikaan 27:19-20